Purisima Rentosa, the manang behind “Manang’s” carinderia, takes her Manong’s orders when it comes to voting.
Bumoto po ba kayo?
Hindi ako masyadong ano diyan. Basta binigay ni Manong, isusulat ko, tapos na. Bumoto kami, dito sa Miriam.
Ano po ba yung naging experience niyo?
Mainit, tapos maraming tao, siksikan. Pero ‘yung mahirap hanapin ‘yung pangalan, eh lagi kami diyan bumoboto, hindi naman kami nahirapan maghanap ng pangalan namin. Kasi yung iba, nandun sa mga pangalan pagpasok mo, pero pagpunta na nila din sa prisinto nila, hindi na nila makita yung mga number, kaya hahanapin pa nila. Pero kami, hindi naman kami nahirapan. Maayos naman.
Diba sabi niyo po si Manong po yung may alam sa pulitiko, paano po kayo pumipili ng iboboto?
Kasi siyempre nagtatrabaho siya sa barangay, marami siyang nakakasalamuhang tao sa city hall, ganyan, nakakapagkuwento-kuwento, pero ako sa bahay lang. Basta binigay niya yung mga pangalan na iboboto, yun na hindi na ako nagtatanong-tanong. Alam mo naman ako diyan lang sa bahay, sa palengke, sa bahay, ganyan lang.
Ano pong masasabi niyo sa pagkakaiba ng dating eleksyon tsaka sa ngayon?
Wala naman akong ma-anong iba. Ang ano ko lang ngayon, parang tahimik at tsaka malinis. Dati-rati sa Maryknoll naku, ang daming kalat-kalat! Punta ka sa labas may nagbibigay ng sample ballot, gastos pa yun at madumi pa. Ngayon parang tahimik tapos malinis, wala kang makitang mga posters, mga kalat diyan sa semento. Ang linis.
Catherine N. Dellosa and Erik S. Fajardo